Sa pag-unlad ng internasyonalisasyon, ang mga dayuhan mula sa iba’t ibang bansa ay nagpapasyang manatili sa bansang Japan.
Ang mga dayuhang nakatira sa Japan ay pinahihintulutang gumawa ng mga gawaing sakop ng ‘status of residence’ at ‘period of stay’ na tinutukoy pagkalapag sa bansa, ngunit kung may kagustuhang baguhin ang status of residence o i-renew ang haba ng pananatili, kailangan nilang kumuha ng ‘permission’ mula sa Immigration Bureau alinsunod sa mga batas at regulasyon ng Japan.
Kung ikaw ay ilegal na mananatili o gagawa ng mga gawain na hindi sakop ng iyong permit, maaari kang pabalikin sa bansang pinanggalingan (ma-deport). Samakatuwid, ang mga patakaran sa Immigration Bureauay mahalaga para sa mga dayuhan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay sa bansang Japan.
Ang tanggapang gumagawa ng ganitong serbisyo ay tinatawag na ‘Engineer / Specialist in Humanities / International Services’.
Mga saklaw na kaso at serbisyo ng tanggapan:
・Kagustuhang mag-renew ng haba ng pananatili (period of stay) → Ito ay tinatatawag na ‘Application for permission to extend period of stay.’
・Kagustuhang baguhin ang estadong pangresidente (status of residence) → Ito ay tinatatawag na ‘Application for permission to change status of residence.’
・ Kagustuhang gumawa ng mga trabaho na labas sa estadong pangresidente (status of residence) → Ito ay tinatatawag na ‘Application for permission to engage in activities outside the status of qualification.’
・Kagustuang muling makabalik sa Japan → Pagpapasa ng aplikasyon para sa re-entry permit.
・ Kagustuhang manirahan sa Japan pang habang buhay → Ito ay tinatawag na ‘Application for permanent residence permit.’
・ Kagustuhang magkaroon ng Japanese nationality → Ito ay tinatawag na ‘Application for naturalization permission.’
Sa kabuuan, anuman ang aplikasyon, ang dayuhang aplikante mismo ay kinakailangang magpasa ng mga dokumento (pagharap nang personal).
Ang aming tanggapan ay may kakayahan (qualified) na gumawa ng trabaho para sa mga nabanggit na mga aplikasyon, maaari kaming magpasa ng mga dokumento na may kaugnayan sa mga aplikasyon sa Immigration Bureau bilang ‘Certified Visa Specialist (administrative scrivener na dumaan sa wastong pagsasanay at may pahintulot mula sa Immigration Bureau)’.
Dahil dito, ang aming aplikante ay hindi na kinakailangang magpakita nang personal, at magkaroon pa nang mas maraming panahon sa trabaho at pag-aaral na walang iniisip na problema.